Hmmm.. Hindi ko muna paduduguin ang mga ilong niyo kaka-english ko. Gusto ko kasi maibuhos ng mabilis ang lahat ng sama ng loob ko. OO! Masama ang loob ko.. Isipin niyo ito ha.. Ako ung tipo ng taong mahirap pikunin. Kapag may nampipikon sakin, hindi naman ako nag-re-react ng masama.. Nag-jo-joke pa ako! Syempre konting patama sa nampipikon. Pero that's all.. Hindi ko pinapatulan ng todo. Pero ung instance kanina is iba.. Sobrang nagtagumpay ung taong un na pikunin ako, if that was what he intended to do. Akalain niyo un, tumutulong na nga ako tapos ako pa ang palalabasin na masama at sumira nung file nila. Ok lng sana kung kami-kami lng. Pero HINDI! Ang lakas ng boses niya at napaka-sarcastic ng dating. Wala siyang karapatan na gawin un! Ako na nga ung hiningan ng tulong ng kasama niya sa project. OO, AKO ang hiningan ng tulong! Ako na hindi naman kasama sa project na un. Dapat nga siya ang tumulong na mag-ayos ng document na un e. Pero anong ginawa niya? Wala! Nang-asar pa! I come to think tuloy kung bakit sakin humihingi ng tulong ung ka-project niya.. Siguro kasi alam na nung ka-project niya na wala siyang mahihita sa kanya! Pero don't worry.. Wala naman akong ginawa kanina.. Umalis lang ako sa pwesto na un at bumalik sa pwesto ko. Pero siguro kung nag-stay ako dun for another five seconds, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na magbitaw ng mga salita.. Pag-nagbitaw pa naman ako ng mga salita nang galit ako, NAKU! Sisiguraduhin ko na nanamnamin niya ang bawat salitang bibitawan ko. Sa bawat salitang un, sisiguraduhin ko na gugustuhin na niyang ipasok ang sarili niya sa banga, isilid ang banga, at ipatapon ang sarili niya sa Bermuda Triangle. Harsh na kung harsh. Damage has already been done. And I think that it would be hard to fix this one. OO, masakit. Nagmamagandang loob na ngang tumulong, palalabasin pang masama!
Haaayyy.. Siguro that's enough. Nailabas ko na ang mga gusto kong sabihin.
Thanks for listening!
'til next time. At sana ok na ako!
Cool on!
~Lyndon Jason